China, Nagpadala ng ‘Fishing Armada’ sa Whitsun Reef

703
https://www.youtube.com/watch?v=HUkxJARO_0o
Published on December 8, 2023 by

Inilabas ng Philippine Coast Guard ang nakakabahalang  video na nagpapakita ng malawakang pagtitipon ng mga sasakyang pandagat ng China sa “Whitsun Reef”.

Ang Whitsun Reef ay matatagpuan sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone, at sakop at nasa pamamahala ng Pilipinas. Ito ay itinuturing na isang low-tide elevation, at hindi isang isla ayon sa mga legal na pamantayan. Ito ay may layong 134 Kilometers mula sa Ayungin shoal, kung saan naka istasyon ang Philippine Marines ng Pilipinas.

Ang pagkakapareho ng Whitsun Reef sa mga military outposts ng China tulad ng Fiery Cross Reef at Mischief Reef, kung saan nagsilbing military base nila, ay nagdudulot ng pangamba hinggil sa posibleng sakupin ang Whitsun Reef. Dahil ito ay kalapit na location sa military base nila, ikinabahala ng ating bansa na sakupin ang lugar na ito. At kabilang na ang posibilidad ng pagtatayo ng military runway, at iba pang gamit military sapagkat ito ay may layo lamang na 50 nautical miles o 92 kilometers mula sa mga artifial islands nila.

Ang mga barko ng China MARITIME MILITIA, sa kabila ng kanilang civilian na anyo, ang mga trawler na ito ay kadalasang sumasailalim sa pagsasanay militar. Nakakatanggap din ang mga tauhan nito ng malalaking subsidiya mula sa gobyerno ng China. Ang pangugulo ng maritime militia na ito ay layon na lituhin  ang operasyon sa pagitan ng sibil at military. Sapagkat wala sa framework o batas kung paano ang tamang gawin sa maritime militia na ito na nagpapahirap sa framework ng tugon sa mga kontrobersiyadong teritoryo tulad ng Whitsun Reef.

Binigyang-diin ni Admiral Gavan ang di-mabilang na surveillance ng PCG sa West Philippine Sea, sa pakikipagtulungan sa mga kaukulang ahensya upang ipatupad ang teritoryal na integridad.

Binigyang-diin ni Gavan ang dedikasyon ng PCG sa pangangalaga ng mga interes ng mga Pilipino, aniyang itinataguyod ng PCG ang kanilang papel bilang tagapagtaguyod ng batas, na nagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa mga pook karagatan na tugma sa direksyon ng patakaran ng bansa.

Noong Linggo, inilabas ng Philippine Coast Guard ang isang pahayag na nagsasabi na isinagawa na ng mga patrol vessel na BRP Sindangan (MRRV-4407) at BRP Cabra (MRRV-4409) ang pag patrolya sa Whitsun Reef o kilala rin bilang Juan Felipe Reef. Natuklasan na may estimate na 135 China maritime militia vessels ang nakatambay doon, na maaring madadagdagan pa.

Category Tag