Pagkatapos paulanan ng US Navy Destroyer na USS PORTER at USS Ross ng Tomahawk missiles ang airbase sa Syria. Ngayon naman nasa North Korea ang Carl Vinson Strike Group.
Ang battle group na ito ay kinabibilangan ng Nimitz Class Aircraft Carrier Vinson (CVN 70) lulan ang Carrier Air Wing (CVW) 2, two guided missile destroyer , Ticonderoga-class guided-missile cruiser at possibling may Submarine Escort.
Napag alaman na kinondena ng Russia, Iran at ng North Korea ang ginawang pag-ataki ng Amerika sa Syria. At ngayon naman ang isang battlegroup ng US Navy ay nandoon na sa Korean Penisula para magbantay at mag-obserba sa mga gagawin nila. Lalong lalo na sa pagpapalipad ng North Korea ng Scud Missile
Kamakailan lang din nagkaroon ng training at pagpa-patrolya ang Japan at US Navy sa naturang battlegroup sa Philippine Sea na kung saan malapit sa Benham Rise ng Pilipinas.
Kamakailan lang din nagkaroon ng training at pagpa-patrolya ang Japan at US Navy sa naturang battlegroup sa Philippine Sea na kung saan malapit ito sa Benham Rise na teritoryo ng Pilipinas.
Kamakailan lang din pumalag ang China at Russia sa deployment ng THAAD doon sa South korean. Sinabi ng China na ang totong pakay ng THAAD system ay sila ang punterya at hindi ang North Korea.
Ayon naman kay Viktor Ozerov, pangulo ng Russia Upper House Defense and Security Committee, nagbabala siya na baka magsagawa ang US forces ng biglaang strike sa mga military facilities ng North Korea.
Pero teka, paano ba isinagawa ang Naval Strike sa Syria?
Pinaulanan ito ng 59 tomahawk missiles at inutos ito ni US President Trump, bago siya nakipag pulong kay Chinese President Xi ng China. Isipin natin andiyan ang kaibigan ng North Korea nung ginawa nya ang pag-utos na yun. Di man lang sya nagkaroon ng kahihiyan sa bisita nya. Ganun kakapal ang bagong
Nauna na rin na sinabi ng Amerika kung ayaw makipag ugnayan ng china tungkol sa ginagawa ng North Korea. Ang America na ang bahala kung anong action ang gagawin nila.
Ang ganitong klaseng deployment ng mga barko ay napagkasunduan na ng tatlong bansa South Korea, Japan, at saka Amerika. Siguro kung ano man mangyari sa barkong ito laban sa North Korea. Alam na ng Japan at South Korea kung ano yung responsibilidad nila.
Ano naman kaya ang gagawin ng battle group na ito sa lugar na yun? Paulanan din ba kaya ng tomahawk missiles katulad ng ginawa nila sa Syria.
Ngayong darating na Abril 15, 2017, magkakaroon ng selebrasyon ang North Korea na tinatawag na “Day of the Sun” ito ay kaarawan ng North Korean founder Kim Il-sung. At sa Abril 25 naman ay “Military Foundation Day”. Karaniwang itong ipinagdiwang sa pamamagitan ng pagpapakita ng gamit militar ng North Korea.
Dito natin malalaman kung may kabuluhan yung pagpapadala ng Carl Vinson Strike Group sa Korean Peninsula.