Bago pa man magsimula ang ASEAN summit dito sa Pilipinas, nakatakda na ang tatlong barko ng Chinese Navy na bibisisita sa atin. Ang kaibahan, ito ngayon ay hindi ito isasagawa sa Manila, ito ay sa Davao.
Ang pangunahing dahilan sa pagbisita pagbisita ng mga barkong ito, ay para mapatibay pa ang ugnayan at kooperasyon ng dalawang bansa lalo na sa pandagat na seguridad.
Noong nagdaang buwan dalawang beses na bumisita sa atin ang Russian Warship at ito ay pinaunlakan at punipuri ng ating pangulo.
Kahapon dumating ang barkong pandigma ng Tsina na kinabibilangan ng PLA (PLA) Navy task group 150 sa Sasa wharf, Davao City. Ito ay kinabibilangan ng Chang Chun (DDG 150) missile destroyer, Jin zhou (FFG 532) isang guided missile frigate Chao Hu (890) a replenishment ship.
Noong nakaarang lingo habang nasa State visit sa bansang Brunei. Nauna na rin niyang sinabi na hindi niya bubuksan ang usapin sa patungkol sa West Philippine Issue. Ano nga ba daw gagawin ng bansa natin kung nandun na ang Tsina.
Sa kasagsagan na rin ng ASEAN Summit 2017 noong nakaraang lingo, pilit na isinantabi ng ating pangulo ang usapin sa alitan sa West Philippine Sea at ito ay hindi ikinatuwa ng ilang Diplomat sa mga bansang apektado ng pinagagawa ng Tsina sa mga Isla na hindi nila pag-aari.
Noong nakarang lingo din, bumisita ang ating defense Secretary sa Pag-asa Island na isa sa mga isla sa pinakamalaking Isla natin sa Spratly Islands para pagtibayin na rin na pag-aari ng bansang Pilipinas ang islang ito. Ang ating gobyerno ay naglaan na rin ng 1.6 bilyon pesos para sa pag-ayos ng mga infrastructura dito. Ang pangyayaring ay hindi ikinatuwa ng bansang Tsina bagkos ito ay ikinainis nila.