Ang Barkong Amphibious ng France na nasa Japan

4,249
https://www.youtube.com/watch?v=5lbxds7c_7o
Published on May 6, 2017 by

Habang patuloy sa pagawa ng nuclear weapons ang North Korea at pagsagawa rin nito ng nuclear ballistic missiles testing. Patuloy naman ginigipit ng America at mga Allies na itigil na ang ginagawa ng north korea. Subalit ito ay nagmamatigas lang at binabantaan pa ang Amerika na palulubugin ang mga barko nila.

Noong Abril 29, dumaong sa Sasebo, Japan ang napakalaking Mistral-class Amphibious Assault warship ng France. At ang kakaiba pa nito ay lulan pa ang dalawang helicopter ng Britanya. Ang barkong ito ay may kakayahan na magkarga ng 2 landing aircraft air cushion, 59 na sasakyan o 40 tank na Leclerc kaya din nito magkarga ng 16 heavy or 32 light helicopters. Merong kagamitan na dalawang 2 simbad system surface air missile at apat na browning machine gun. At kayang magkarga ng hanggang 900 na tropa.

Ang Barkong ito ay isa sa mangunguna sa gagawing military exercise na dadaluhan ng bansang Japan, France, Amerika at ng Britanya at ito ay gagagawin malapit sa Isla ng Guam.
Ang France ay may 3 ganitong klaseng barko. Ang barko din ito ay may sariling hospital na kayang magkarga ng 69 pasyente.

Natatandaan natin na noong Korean War. Ang North Korea ay tinutulungan ng China at Russia laban sa Amerika at mga bansang kasapi ng united nations, isa na nito ang Pilipinas. At Noong Nakaraang ding buwan naglagay ang Amerika sa South Korea ng THAAD system para ma-protektahan ang kanilang bansa laban sa mga missile test ng North Korea.”

Ang problema nga lang, ang paglagay ng defense system na ito ay hindi ikinatuwa ng bansang Russia at Tsina. Sinabi din ng gobyerno ng Tsina na ang paglalagy ng Defense system nito ay hindi dahil sa ginagawa ng North Korea. Ang paglagay daw nito ay para matukoy ang missile capability ng Tsina.

Natatandaan na nagpagawa ang bansang Russia ng ganitong barko. Pero nang matapos na ito ay hindi tinuloy ng France sa pagbenta dahil sa pag agaw nila sa teritoryo na parte ng Ukraine.
Ilang araw mula ngayon, apat na malalaking bansa na kilalang pagdating sa malalaking digmaan ay magkakaroon ng naval training sa unahang pagkakataon
“ We did not expect the start of our visit to coincide with a north Korean missile launch.  Cooperation between our four nation in upholding laws, peace, and stability in the region will display our readiness to deal with North Korea”.

Ito kaya ay hudyat na magkakaroon pa ng kasunod ng WWWII.

Category Tag

Add your comment

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.