Sa kasagsagan ng pangangampanya ng ating pangulo noong 2016, sinabi nya na ang pagbili ng F-16 ay aksaya lang ng pera, at ng sya ay nakaupo sinabi rin nya na“ hindi natin kailangan ng Fighter jet f-16”. Hindi naman daw natin kaya matapatan ang China, kaya walang silbi ang Fighter Jet na ito kung ito ay ikumpara sa kanila.
Pero yung sinabi nya na F-16, doon sya nagkamali. Hindi yun F-16 na gingamit ng United States Airforce, ito yung binili ng dating pangulong Aquino sa halaga na umabot sa 19 billion pesos. Ito ay isang Light multirole combat aircraft at saka at isang trainer aircraft na rin. Dito hinahasa ang ating mga piloto bago sila sasabak sa mas modern at advanced na fighter jet.
Pero bago pa man sya makaupo sa kasalukuyang pwesto, matagal ng binabalak ng Armed Forces na magkakaroon ng lehitimong air firepower ang Airforce.
Isipin natin ah, dati isa ang ating Air force isa sa tanyag dito sa Asia pero tingnan nating ngayon kung ihambing ang kalagayan sa nagdaang dekada, masyadong na tayon napag-iwanan na ng panahon.
At kaya ito ngayon kasalukuyan patuloy ang ginagawa ang pag-modernize ng Air Force, Navy, at Army at ito naman ay hinahati sa tatlong horizon.
Sa air force, ito ay inumpisahan sa pagbili ng mga iba’t ibang eroplano katulad heavy trasport aircraft, medium lift transport aircraft, light transport aircraft, light trainer aircraft, combat helicopter at mga radar. Yun nga lang ang iba mga gamit na, pero di bale na, at least meron tayong nakikita. Kadalasan sa mga eroplanong nabili natin sa first horizon ay halos lahat ay nasa serbisyo na ng Airforce natin.
Noong nagdaang mga araw din, sunod sunod na dumadating ang binili natin na KAI FA-50 Fighting Eagle Jet na binili sa bansang South Korea. Ito rin ay nagamit na ris ng Airforce sa pagsugpo ng rebelding grupo.
At Ngayon sa 2nd Horizon ng AFP modernization gugustuhin man o hindi ng ating _________ . Kailangan natin bumili ng fighter jet para ma-protektahan ang ating bansa laban sa panlabas na banta at para na rin makahabol tayo sa mga teknolohiya na ginagamit ng mga karatig bansa natin.
Sa nakaraang taon, matunog sa atin ang JAS 39 Gripen ng Sweden, ito daw yung isa sa magandang pagpilian ng Philippine Air Force na angkop sa ating bansa.
Pero sa darating na Mayo 2017, bibisita ang ating pangulo sa Russia at inaabangan natin kung ano ang i-offer ng Russia pagdating sa Advanced Fighter jet. Ito ba ay MIG Fighter Jet o yung tinatawag na dealdy SU Flanker. Sa ngayon matunog ang bagong ng Sukhoi SU-30 Fighter Jet
Dito natin malalaman kung may bago tayong pag-pipilian para sa multirole combat aircraft na requirements ng hukbong pang himpapawid ng Bansang Pilipinas.