Napabalitaan natin noong nakaraang taon, gusto ng Tsina na turuan yung armed forces nila na matuto sa Jungle Survival Skills at nakakaduda kasi sino ba sa bansang Asia ang may mga gubat? Diba yun lang din inagawan nya ng Teritoryo katulad ng bansang Pilipinas.
Sa skills na ginagawa nito, tinuturuan ang bawat sarili nila para mabuhay sa malawak na kagubatan. Katulad ng pagpili ng halaman kung ano lang yung pweding kainin, may mga halaman din na nakakalason.
Ang pinakamadaling pagkukunan ng pagkain sa kagubatan ay halaman at prutas, pero tinuturuan din sila kung paano manghuli ng pagkaing masarap katulad ng mga ligaw na hayop at saka mga iba’t ibang klaseng ahas.
Sa Southeast Asia, limang bansa ang napag-alaman na magagaling pagdating sa jungle warfare o jungle survival. Pero yung isang bansa hindi ko nailagay, ito ay ang Vietnam.
Ang jungle Survival na ito ay binubuo ng Thailand, Indonesia, Malaysia at Pilipinas.
Kaya dito rin sa mga bansang ito hinahasa ang kakayahan ng mga Amerikano para magkaroon sila ng karanasan sa mga lugar na katulad nito.